ni: Christopher Radcliffe (hehehe)
*Isang pagpupugay sa mga journalist na sunod-sunod na pinatay 2005.
Sa pagkalansing ng barya sa lata,
tibay ng loob at pag-asang buhay ay madugtungan
waring sa bawat barya’y buhay ko ang nakalaan
lalapit ang gabi,
susunod ang araw,
isang panibagong umaga ang sa aki’y maghihintay
Sa pagkalansing ng barya sa lata,
hinagpis ko’y gumagaan,
lumiliwanag,
nagbibigay ng saysay sa buhay kong tila kandilang natutunaw
buhay ko’y napupodpod
pag-asa’y namamasdan
Sa pagkalansing ng barya sa lata,
nakilala ko ang dilim at liwanag
namalas ko sa aking kaisipa’y
nagkukubli ang sinag ng katarungan
lumalaganap
at mabilis na lumalaganap sa kaisipan ko
ang kanilang buti at sama
binabakli ang aking panulat,
binubusalan ang aking bibig,
tinatakpan ang kanilang mga tenga sa namamaos kong tinig
na sila,
na sila ang may dulot
Sa pagkalansing ng barya sa lata,
kinatok ko ang kanilang mga puso upang umamot ng kalinga
subalit isa man sa kanila ay hindi nagdalang-habag sa aba kong kalagayan
na para bagang isa akong pusakal,
mamamatay,
magnanakaw,
ang taning ginawa ko lang nama’y ikinilansing ang barya sa lata
nang malaman ng tao kung bakit barya na lang ang natira
sa pag-aakala kong gagamayin nila ang kanser ng lipunang Pilipino,
itinuring nila akong aso, ulol at di matino.
Ito ba talaga ang batas ng bayang sinta ni Bonifacio
mga ulong sa putikan pupulutin bawat di yumukong ulo?
sa pahinuhod kong lampas pagmamakaawa,
pinatay akong hindi man lang narinig ang kalansing ng katarungan.
dna testing and criminal cases
Nice Site.