"Parang nakakaloko na. HIndi mo alam kung san ka na lulugar. Hindi mo kasi alam kung may puwang ka pa sa kanya, o magiging hadlang ka lang sa mundo nila."
Bakit ganon, nung matalik pa lang kayong magkaibigan, mahal mo siya dahil sa kaibigan mo siya. Ginagawa mo lahat ng bagay na makapagpapasaya sa kanya. At ganon din siya sa’yo, kasi nga, magkaibigan kayo. Halos napuno na nga cabinet mo dahil sa dami ng sulat niya. Lagi siyang nakasuporta sa pag-aaral mo. Lagi niyang sinasabi na kailangang unahin ang pag-aaral. Binigyan ka pa nga niya ng sulat na may linyang ganito e:
May 22, 2004
Chris,
…
Pwede mo bang i-promise sa ‘ken na ‘di mo pababayaan pag-aaral mo, lalo na ngayong school year. Para ikaw ang Valedictorian ‘pag nag-graduate na tayo—pwede? Kahit anong mangyari? Basta yun ang priority mo ha? 2nd family, tapos 3rd ako (pangunahan daw ba ikaw1? hehe! joke lang yun!) Kahit ako panglast sa priority mo, ok lang, as long as mahal mo ko…nakz!!!
iloveyou,
_______
21:20
Nadala ka sa mga sulat, inisip mo kasi na napakaba-sweet ng taong ‘to. HIndi ka naman nagkamali don. Hanggang sa mahulog ang loob mo sa kanya. Dati, matalik na kaibigan lang ang turing mo sa kanya, hanggang dun lang. Tinangka mo ngang pigilan ang nararamdaman mo kasi nga, MAGKAIBIGAN LANG KAYO! Pero ayon, sapul ng pana.
Kung bakit kasi nauso pa ang COMMITMENT e! Kapag magkaibigan kayo, mahal mo siya kasi kaibigan mo siya, kahit anong hirap at problema ang dumating sa inyo, kinakaya nyo, kasi nga MAGKAIBIGAN LANG KAYO! Pero kapag naging kayo na, nag-iba na. Kung dati, pag-aaral ang gusto niyang unahin mo, nung maging kayo, siya na dapat. Nahirapan ka tuloy mag-adjust sa nakasanayan. Konting tampo, magpaparamdam na magbreak na kayo.
Tapos ngayong wala na kayo, parang nakakaloko na. Hindi mo alam kung san ka lulugar. Hindi mo kasi alam kung may puwang ka pa sa kanya, o magiging hadlang ka lang sa mundo nila.
Minsan pasaway talaga ang tao. Di mo naman inaaya, sasali at makikigulo sa mundo mo. At kung kelan naman apektado ka na sa kanya, saka pa siya aalis, tangay ang mundong dati solo mo.
Dapat pala noon pa lang pinigil ko na ‘tong nararamdaman ko, akala ko kasi tama.
But i’m so,so stupid
to make this biggest
mistake
of falling in love
with my
BESTFRIEND.
12
Nov
05
0 Responses to “Magkaibigan Lang Kayo…”
Leave a Reply