Archive for July, 2006

22
Jul

Gusto Kong Mawala
   

    Gusto kong mawala. Yung mawala ng ilang mga araw. Tapos hahanapin ako ng mga tao. Ipaparamdam nila sa ‘kin na i exist pala. Pero ang masaklap dun, ndi naman ako si invisible man na pwedeng maglaho nu mang oras ko gustuhin.
    Ang daya nyo kasi! Magmamahal kayo ng minsan at sasabihin niyo na nasaktan kayo. Kung gaano kasakit sa inyo, kayo lang ay may alam. Pero kung gaano kasakit sa ‘men, kayo lang rin may alam. Kung paano kayo nasaktan, walang rason para pansinin o pakinggan nyo kame. Kung gaano naman kasakit sa ‘men, kayo lang rin ang may alam. No doubt na kami agad ang mali. Kapag naghanap ka naman ng tao na gusto mong sabihan ng nararamdaman mo, dahil nga sa ayaw ka nyang pakinggan, masama ka pa rin. Sasabihin niya sa iyo na pinagkakalat mo.
    Gusto kong mawala. Para makalimutan ko kahit minsan na nag-exist ka pala. Para makalimutan ko na naging bahagi ka pala ng paglipas ng buhay ko. Pero pano ko gagawin yun, indi ko nga kaya na kahit minsan ilagay sa isip ko na kaya kong mag-isa. Pinilit mo akong alalahanin kita.
    Oo aaminin ko na, hanggang ngayon. Pero hindi na ko umaasa na magagawan pa ng paraan yun. Na magkabalikan pa tayo. "Nangangarap lang ako". Ewan ko. Naaasar na ko sa utak ko. Kung bakit sa pilit kong ilagay sa isip ko na wala ka na, dun pa niya ibabalik sa iyo yung mga alaalang ayaw mong pakawalan sa isip mo.
    Gusto kong mawala. Mawala nang matagal, baka sakaling maisip mo rin kasi na may nakaraan tayo. Sa pagpipilit mong itago sa iba na kahit papano tinitxt kita, ewan ko kung ano nasa isip mo. Sa pagmamayabang mong marunong ka na ng kung ano-ano—sigarilyo, alak, magnakaw, magsinungaling. Nakakatawa lang, ewan ko kung pagmamayabang ba yun o epekto lang ng kabaliwan. Ewan ko kung kabaliwan sayo, malamang bagong buhay ang tawag mo.
    Pero ayoko na, tapos na ang paghihibang ko. Hanggang dun na lang yun siguro. Salamat na lang sa lahat.

21
Jul

Brownies (o kung gaano kita kamahal)

"Ang pag-ibig ay parang pagluluto, kailangan ng tamang sangkap at proseso.
"

1 c butter/margarine
1 c cocoa powder
1 c white sugar
1 1/2 c brown sugar
3 eggs
1 tsp vanilla essence
1 1/2 c flour
1 tsp baking powder
1 tsp salt

Painitin ang oven sa 350 F. Tunawin ang mantikilya. Ilagay sa mixing bowl.
 
 Aaminin ko, nagkagusto ako sa iyo dahil nakatutunaw ang iyong lambing. Dahil sa iyo nakipaghiwalay sa akin ang aking pag-iisa.

Ihalo ang tsokolate, pampalasa.
    
At hindi lang iyon—napapansin ko kung gaano kaganda ang iyong mata, kung gaano kasarap pakinggan ang boses mo, at kung gaano ka ka-hinhin. Masarap kang kausap at naiintindihan mo ako tuwing inaakala ko na walang nakakaintindi sa akin. Malalim ka palang mag-isip- palaging may katuturan ang mga napag-uusapan natin.

Isunod ang asukal, pampatamis.
  Sweet ka pala. Di ko inakalang may nag-aalala para sa akin. At sobra kang nakakatuwa, para kang batang naglalaro sa dapit-hapon. Kinikilig ako kapag nagpapatintero ang titigan ng ating mga mata. Napapangiti ako tuwing para tayong nagtataguan kapag hindi tayo nag-aabot sa kitaan.

Ihalo ang itlog para pagsamahin ang mga sangkap
    Siguro nga nasa iyo na ang lahat ng hinahahanap ko.

Lagyan ng vanilla, pampabango at pampasarap.
    Is
a lang ang masasabi ko—mahal n mahal n nga kita.

Pagkatapos ay ihalo ang harina, nagsisilbing katawan at laman.
   
Mahal kita, hindi dahil sa ikaw ang pinakamaganda, pinakamabait o pinakamalambing na babaeng nakita ko—marami pa ang hihigit sa iyo. Importante ka sa akin dahil ikaw ay ikaw at ako ay ako- ikaw ang pinili ko, nakasama, nakausap, nayakap, nakadaupang-palad, at ipinagluto. Kahit na marami ang mas maganda, mas malambing, at mas mabait sa iyo, ikaw pa rin ang babalikan ko.

Idagdag ang baking powder, pampaalsa, at ang asin, pampalasa.

    Pero mahirap kapag di tayo nagkikita. Mahirap lumago ang pagmamahal kung taning hangin lang ang katagpo. Mapait at maalat kumbaga.

LInyahan ng mantikilya ang isang 13 in. x 9 in. baking pan. Ilipat dito ang lahat ng hinalo. Lutuin sa oven ng 30 minuto o hanggang wala nang dumikit kapag itinusok ang isang toothpick sa gitna.
   
Sa bagay, makakapaghintay naman ako. Hayaan nating uminit at lumalim ang pag-ibig natin sa isat’ isa—sumasarap habang tumatagal. Sa huli, laging mas masarap kapag pinatagal ang pagluluto.

Ihahain ko na, mahal