Habang binabasa mo ‘to e gusto kong sabayan mo ng pakikinig, para makarelate ka sken.
"I don’t care how you get here, just get here if you can."
Yan yung last line ng kantang Get Here. Ang hirap din minsang sabihin sa taong mahal mo yan. Parang pinipilit mo lang kasi yung sarili mo na maniwala e. In the end, makikita mo na lang sarili mo na nagdudugo, literally, nagdudugo. Kakasuntok sa lupa o pader na alam mo namang hindi papalag, gaganti o sasagot man lang dun sa mga tanong na bumabagabag sayo.
Ang hirap talaga maniwala sa umpisa. MInsan kasi, nadadala ka lang ng emosyon mo. Akala mo tama na, akala mo ayos na ang lahat. Pero magugulat ka lang. Iba yung kilos nya sa inaasahan mong dapat nyang ipakita sa’yo. MInsan magulo. Ang hirap maniwala. Gusto mong sumigaw ng mga tanong, yung mga tanong na matagal mong tinago at kinimkim. Pero sa hangin mo lang lahat maisigaw. Kasi kahit alam mong nasasaktan ka na, ayaw mong sabihin sa kanya ng direkta, may magagawa ka ba? maibabalik mo pa ba ang dati? masasabi mo ba sa kanya na Tang-ina, Mahal pa kita!—ano isasagot nya? Alam mo ba?
"You can jump on a speedy colt, cross the border in a blaze of hope" Sinusubukan ko namang gawin lahat e. Hindi ko na nga iniisip kung nagmumukha na ba akong tanga e. O kung pinagtatawanan na ba ako ng lahat. O kung hindi man, kung paano ko ipapaintindi sa kanila.
There are hills and mountains between us daw. Yung iba nalagpasan naten nuon, pero diba inamin mo na saken? Bakit ayaw mo pang gawin yung sinasabi ng puso mo, nahihirapan na kasi ako e. HIndi ko kayang hulaan kung kailan, ang hirap.
…
Ang sarap din pala minsan umiyak. Kapag hindi mo na talaga kaya. Kapag wala ka nang mapanghawakan. Yung tipong kailangan harap-harapan mong iparamdam sa ‘kin lahat.
Diba ayos na tayo? Sinubukan kitang tignan para makuha atensyon mo. Pero bakit parang umiiwas ka. Nahihirapan na ‘ko. Alam ko namang wala akong karapatan e. Pero bakit kailang mong idura sa mukha ko ‘yun. Ang sakit kasi e. HIndi ko na matagalan. Nangako ako sayo dati na maghihintay lang ako. Pero, pero, wag mo namang pabilisin yung oras na makita kong konti na lang yung oras na itatagal ko. O yung espasyo na kailangan kong paglagyan. Unti-unti na kasing sumisikip mundo ko e.
…
KUng mahal mo ako talaga, please make it soon. Kasi ang hirap din umasa sa wala. Kahit alam ko namang kahit hindi ako magsasawa. Pero ayoko dumating yung araw na yun. Na magsawa nang maghintay. Na tanggapin na lang ang lahat na hanggang dun na lang talaga. Na wala na akong lakas o kapal ng mukha na iparamdam pa sa’yo lahat. Tapos magigising na lang ako isang araw, wala na talaga.
i love you not because of who you are but because of who I am when I am with you.
I need you here. I don’t care how you get here, just, get here if you can.
hit list 2/5 soon…