Habang binabasa mo ‘to e gusto kong sabayan mo ng pakikinig, para makarelate ka sken.
"I don’t care how you get here, just get here if you can."
Yan yung last line ng kantang Get Here. Ang hirap din minsang sabihin sa taong mahal mo yan. Parang pinipilit mo lang kasi yung sarili mo na maniwala e. In the end, makikita mo na lang sarili mo na nagdudugo, literally, nagdudugo. Kakasuntok sa lupa o pader na alam mo namang hindi papalag, gaganti o sasagot man lang dun sa mga tanong na bumabagabag sayo.
Ang hirap talaga maniwala sa umpisa. MInsan kasi, nadadala ka lang ng emosyon mo. Akala mo tama na, akala mo ayos na ang lahat. Pero magugulat ka lang. Iba yung kilos nya sa inaasahan mong dapat nyang ipakita sa’yo. MInsan magulo. Ang hirap maniwala. Gusto mong sumigaw ng mga tanong, yung mga tanong na matagal mong tinago at kinimkim. Pero sa hangin mo lang lahat maisigaw. Kasi kahit alam mong nasasaktan ka na, ayaw mong sabihin sa kanya ng direkta, may magagawa ka ba? maibabalik mo pa ba ang dati? masasabi mo ba sa kanya na Tang-ina, Mahal pa kita!—ano isasagot nya? Alam mo ba?
"You can jump on a speedy colt, cross the border in a blaze of hope" Sinusubukan ko namang gawin lahat e. Hindi ko na nga iniisip kung nagmumukha na ba akong tanga e. O kung pinagtatawanan na ba ako ng lahat. O kung hindi man, kung paano ko ipapaintindi sa kanila.
There are hills and mountains between us daw. Yung iba nalagpasan naten nuon, pero diba inamin mo na saken? Bakit ayaw mo pang gawin yung sinasabi ng puso mo, nahihirapan na kasi ako e. HIndi ko kayang hulaan kung kailan, ang hirap.
…
Ang sarap din pala minsan umiyak. Kapag hindi mo na talaga kaya. Kapag wala ka nang mapanghawakan. Yung tipong kailangan harap-harapan mong iparamdam sa ‘kin lahat.
Diba ayos na tayo? Sinubukan kitang tignan para makuha atensyon mo. Pero bakit parang umiiwas ka. Nahihirapan na ‘ko. Alam ko namang wala akong karapatan e. Pero bakit kailang mong idura sa mukha ko ‘yun. Ang sakit kasi e. HIndi ko na matagalan. Nangako ako sayo dati na maghihintay lang ako. Pero, pero, wag mo namang pabilisin yung oras na makita kong konti na lang yung oras na itatagal ko. O yung espasyo na kailangan kong paglagyan. Unti-unti na kasing sumisikip mundo ko e.
…
KUng mahal mo ako talaga, please make it soon. Kasi ang hirap din umasa sa wala. Kahit alam ko namang kahit hindi ako magsasawa. Pero ayoko dumating yung araw na yun. Na magsawa nang maghintay. Na tanggapin na lang ang lahat na hanggang dun na lang talaga. Na wala na akong lakas o kapal ng mukha na iparamdam pa sa’yo lahat. Tapos magigising na lang ako isang araw, wala na talaga.
i love you not because of who you are but because of who I am when I am with you.
I need you here. I don’t care how you get here, just, get here if you can.
hit list 2/5 soon…
lam mo tama ka….di ko alam kong ano pumasok sa utak mo…pro ramdam ko na bigo ka…pariho tayo pre..kala ko magisa lang ako…hindi pala…sabi nila love can wait…pro tama ka..ang hirap umasa sa wala….ganito nalang bah..may mga taong gusto natin..kaya lang sila naman ang walang gusto….ang sakit nun….
lee
hi,,
wala akong masabi ehh,, speechless ba, pero,, nasabi ko na sau ang iba,
sorry kung hndi umamayon ang mga salita sa gawa,, ang hirap e, ndi ko alam anu ang mali sa akin, kung saan ako mag uumpisa,, ang hirap.. sana ndi mo na lang ako minahal,, ndi ka nasasaktan ng ganito,,im really sorry.. sana hndi na lang natin binigyan ng time ang love,,at 4ever na lang tau naging best friends,, pero wala e,, wala namang time machine para ibalik ang lahat,,, kung meron man,, andami kong nais ibalik at baguhin…
sana pakatatag ka pa,, ndi ko kontrol ang buhay natin,, maraming pwedeng mangyari,, pero ang mahalaga nagpapasalamat ako sa pagmamahal m,, sa pag-intindi,, at sa lahat lahat… lalo na sa paghihintay………. pero……..
haiy pare,, ang hirap kasi e,, sobra.. kung anu man mangyari,, isipin mo,, ndi ako naging makasarili,, kulang lang ako magpahalaga sa sarili ko e,, ewan!! ang gulo ko noh??
sa totoo lang,, gusto ktang mkita ngaun,, wala lang,,miss na kasi kita.. sorry ulet last time na nagkita tau,,nahihiya ksai ako,, ndi ko alam panu ako kikilos,,, sana mabasa mo na lang ang nsa icip ko di ba hehe!!!!\
basta chris.. anu man mangyari,,hndi kita kakalimutan,, xmpre lakas mo kay mama e,,at ang halos buong culiat alam na tayo,, ahhhhhhh andame.. basta!!!\\
ingat ka palagi,,salamat sa lahat nd advices!!\
salamat sa pag iintindi,,
nga pla,,
im not a bad girl,,
oo madali lang namang humusga sa isang tao,,but make sure it first,, im a loner,, minsan craulo,,pero nanatili pa din akong si JACky na minsang nakilala mo,,as SUPLADA,, pero di ba ndi naman talaga,, lamu un,,maraming hndi nakikita sa kin,,lahat nasa loob.. \\
sabi ko nga,, hndi umaayon ung kilos sa mga salitang nanggaling sa puso ko….
salamt!!!
you’re a wonderful friend, lover. i hope you get what you deserve.