Archive for January, 2007

27
Jan

Hit List 3/5

    I really want to end this up. At this moment, I can say that I’m ready to face every consequence that this action might bring. You may not be the perfect person for me, and so do I.

    Kailangan ko na lang tlga siguro tapusin ‘tong nasimulan ko. Tutal naman ilang araw na lang, marami nang magbabago sa’ken, sa’yo. Tulad nga ng sinabi mo, hindi ko na kailangang umasa, dahil wala na akong maaasahan sa’yo. Hindi ko rin siguro pagsisisihan ‘tong magiging desisyon nateng dalawa, dahil ako, lumaban pa rin hanggang sa huli na alam kong kaya ko pa. Pero napuno na rin ako. Sa mga oras na ‘to hindi ko nakikita yung dating ako na, naaawa sa sarili habang nagsusulat ng mga blog na tulad nito. Gumagaan na rin yung pakiramdam ko. Kahit papano kasi nailalabas ko na LAHAT-LAHAT dito. Tapos na ko umiyak, umasa, magpakamartir, magmukhang tanga. Ngayon unti-unti nang lumiliwanag buhay ko.

    Dun sa mga nakakasa nang halos paulit-ulit nang tema ng blog ko, pasensya na kayo, siguro dumating lang yung punto ng buhay ko na masyado akong seryoso, sa totoo lang pag nakilala n’yo ako—baka maubusan kayo ng hininga sa kakatawa. Sa mga kwentong walang katuturan kung balat lang ang titignan, pero malaman pala kung babalatan n’yo lang. Minsan lang ako magseryoso, kaya maninibago kayo kung makita n’yo ako minsang nakatunganga, nag-iisip.

    Sa totoo lang, pilit kong hinihila ang panahon at ang oras papalit. Gusto ko kasing iwanan na yung buhay ko na mapag-isip, sa mga bagay-bagay na dapat tinatawanan ko lang. Gusto ko rin naman makita yung sarili ko na masaya—sa piling naman ng iba. Yung alam kong hindi ako paglalaruan, hindi manloloko, hindi manggagamit. Ipinapangako kong magiging ganun din ako.

    Sa totoo lang, wala na kong inaasahan, tinatapos ko na lang ‘tong blog, dahil sayang lang yung mga nauna kong pinaghirapan kapag hindi ko pinagpatuloy. Pero pagkatapos nito, handa na ko sa mga magiging kapalit ng desisyon na ‘to. Tutal, wala na rin akong maaasahan dun sa taong, minsang ipinaglaban ko. Kung dumating man yung araw na magkasalubong landas namin, wala na akong maaalala. Itatapon ko na rin LAHAT-LAHAT.

    Hindi na ako yung taong nakilala mo noon. Marami nang nagbago. Tinuruan mo ako, salamat. Dalawampung araw na lang hinihintay ko. Gusto kong matapos na ‘tong kahibangang ‘to. Kung sa kinakabahan, oo. Hindi ko maaalis sa sarili ko yun, hindi din ako magpapaka-impokrito na sabihin hindi na kita mahal. Pero nalaman kong, pwede rin pala yung mawala, nang dahan-dahan. Gaya siguro nang nararamdaman mo, para naman maging patas din ako.

    Malapit na yung araw, hindi na rin nga pala ako maghihintay sa’yo sa araw na yon. Wala na. Tapos na. Salamat

05
Jan

Hit List 2/5

Music Here…

     Sa mga oras na ‘to, hindi ko alam kung kailangan ko pa ring gawin ‘tong blog na ‘to. Kung dapat ko pa bang kumpletuhin at buuin. Alam mo naman diba kung ano mangyayari kung sakaling matapos ‘tong blog na ‘to. Alam mo na rin kung ano yung last song (5/5) para sa pinakahuling part ng Hit List.

     Siguro nga dapat ko pa rin ‘tong ituloy. Hindi ko kasi alam kung nagiging panakip butas lang ako o ano. Magmula kasi nung magkalayo tayo, hindi ko sure kung ikaw pa rin yung tao na yun na nakilala ko dati. Madali ka kasing mafall. Baka nararamdaman mo lang yun sa ngayon dahil sa wala sya at ako ang nakikita mo Sorry, kung masakit yung sinabi ko "panakip butas". Marami kasi nagsasabi sa ‘kin n’yan, pero di ko sila iniintindi, kahit magmukha na kong tanga o baliw. Gaya ng lagi mo sakin sinasabi…"baliw".

     Salamat nga pala dahil sa dahil ikaw ang nakasama ko ngayong mga unang araw ng taon. Nung una naninibago, pero nung pauwi na tayo…ninanamnam ko yung mga sandali na magkasama pa tayo. Hindi ko kasi alam kung ganon pa rin pag dating ng mga susunod na araw. Korni na kung korni. Oo tumawa ka, tawanan nyo lang ako. Mas gusto ko yun, kaysa naman ituring mo kong baliw na nga. Na mag-iba bigla ihip ng hangin, na sa mga oras na hinahanap kita ngayon, dumating yung araw na gigising akong hindi  na kilala kahit man lang pangalan mo. Na sa sobrang pag-iwas o paglimot sa ‘yo, dumating yung araw na hindi na kita makilala kahit magkita tayo. Na wala na talaga akong nararamdaman sa’yo.

     Hindi ko alam kung matutuloy na mabuo ‘tong blog na ‘to. O sa mga susunod na araw e pipigilan mo na ko. Pero bago mabuo ‘to sa Feb 14, ikalawang taon mula nung maghiwalay tayo nung 2005, umaasa pa rin akong pipigilan mo ‘ko. Bakit ka ba kasi ganyan, ang hilig mong magpaasa. Hindi ko alam kung ikaw yung baliw na, sa mga banat mong pagpaparamdam o ako na baliw na nga na sa tagal ng panahong yun, naghihintay pa rin.

     Pero gusto ko malaman mo na masaya ako, kung pagpapaasa man yun o hindi, masaya pa rin ako. Ikaw kasi yung unang nakasama sa taong ito. Dati naman kahit mga Pasko o Bagong Taon, nakakraos ako ng ako lang. Hindi kita hinahanap o ano man, pero ngayon. Kahit mga simpleng bagay lang na gawin ko sa buhay ko, hinahanap ka kita. Gusto ko kasi kasama ka dun. Tawagin mo man akong "baliw" ulit, ayos lang. Basta pare, kung mangyari man yung kinatatakutan ko bago o sa araw mismo ng Feb 14 na hindi ikaw yung makita ko, na may ibang pumunta imbes na ikaw, sana maging matatag ka. Wag mo pa rin kakalimutan yung pag-aaral mo. Wag na magpupuyat sa text lang. Sana matanggap naten pareho. Na sa pagkatapos ng araw na yon, magkaibigan na lang talaga tayo. Ayoko na kasing umasa pa ulit o mawalan lang ng saysay yung mga ginagawa ko. Dati sinabi ko sayo na maghihintay lang ako, pero parang "baliw" na nga talaga ‘ko sa sobrang tagal ng paghihintay ko. Kaya gusto ko kung mangyari man ‘yon, tapos na talaga tayo.

     Sana naiintindihan mo rin ako…

hit list 3/5 soon…