Archive for January 27th, 2007

27
Jan

Hit List 3/5

    I really want to end this up. At this moment, I can say that I’m ready to face every consequence that this action might bring. You may not be the perfect person for me, and so do I.

    Kailangan ko na lang tlga siguro tapusin ‘tong nasimulan ko. Tutal naman ilang araw na lang, marami nang magbabago sa’ken, sa’yo. Tulad nga ng sinabi mo, hindi ko na kailangang umasa, dahil wala na akong maaasahan sa’yo. Hindi ko rin siguro pagsisisihan ‘tong magiging desisyon nateng dalawa, dahil ako, lumaban pa rin hanggang sa huli na alam kong kaya ko pa. Pero napuno na rin ako. Sa mga oras na ‘to hindi ko nakikita yung dating ako na, naaawa sa sarili habang nagsusulat ng mga blog na tulad nito. Gumagaan na rin yung pakiramdam ko. Kahit papano kasi nailalabas ko na LAHAT-LAHAT dito. Tapos na ko umiyak, umasa, magpakamartir, magmukhang tanga. Ngayon unti-unti nang lumiliwanag buhay ko.

    Dun sa mga nakakasa nang halos paulit-ulit nang tema ng blog ko, pasensya na kayo, siguro dumating lang yung punto ng buhay ko na masyado akong seryoso, sa totoo lang pag nakilala n’yo ako—baka maubusan kayo ng hininga sa kakatawa. Sa mga kwentong walang katuturan kung balat lang ang titignan, pero malaman pala kung babalatan n’yo lang. Minsan lang ako magseryoso, kaya maninibago kayo kung makita n’yo ako minsang nakatunganga, nag-iisip.

    Sa totoo lang, pilit kong hinihila ang panahon at ang oras papalit. Gusto ko kasing iwanan na yung buhay ko na mapag-isip, sa mga bagay-bagay na dapat tinatawanan ko lang. Gusto ko rin naman makita yung sarili ko na masaya—sa piling naman ng iba. Yung alam kong hindi ako paglalaruan, hindi manloloko, hindi manggagamit. Ipinapangako kong magiging ganun din ako.

    Sa totoo lang, wala na kong inaasahan, tinatapos ko na lang ‘tong blog, dahil sayang lang yung mga nauna kong pinaghirapan kapag hindi ko pinagpatuloy. Pero pagkatapos nito, handa na ko sa mga magiging kapalit ng desisyon na ‘to. Tutal, wala na rin akong maaasahan dun sa taong, minsang ipinaglaban ko. Kung dumating man yung araw na magkasalubong landas namin, wala na akong maaalala. Itatapon ko na rin LAHAT-LAHAT.

    Hindi na ako yung taong nakilala mo noon. Marami nang nagbago. Tinuruan mo ako, salamat. Dalawampung araw na lang hinihintay ko. Gusto kong matapos na ‘tong kahibangang ‘to. Kung sa kinakabahan, oo. Hindi ko maaalis sa sarili ko yun, hindi din ako magpapaka-impokrito na sabihin hindi na kita mahal. Pero nalaman kong, pwede rin pala yung mawala, nang dahan-dahan. Gaya siguro nang nararamdaman mo, para naman maging patas din ako.

    Malapit na yung araw, hindi na rin nga pala ako maghihintay sa’yo sa araw na yon. Wala na. Tapos na. Salamat