Archive Page 2

27
Jan

Hit List 3/5

    I really want to end this up. At this moment, I can say that I’m ready to face every consequence that this action might bring. You may not be the perfect person for me, and so do I.

    Kailangan ko na lang tlga siguro tapusin ‘tong nasimulan ko. Tutal naman ilang araw na lang, marami nang magbabago sa’ken, sa’yo. Tulad nga ng sinabi mo, hindi ko na kailangang umasa, dahil wala na akong maaasahan sa’yo. Hindi ko rin siguro pagsisisihan ‘tong magiging desisyon nateng dalawa, dahil ako, lumaban pa rin hanggang sa huli na alam kong kaya ko pa. Pero napuno na rin ako. Sa mga oras na ‘to hindi ko nakikita yung dating ako na, naaawa sa sarili habang nagsusulat ng mga blog na tulad nito. Gumagaan na rin yung pakiramdam ko. Kahit papano kasi nailalabas ko na LAHAT-LAHAT dito. Tapos na ko umiyak, umasa, magpakamartir, magmukhang tanga. Ngayon unti-unti nang lumiliwanag buhay ko.

    Dun sa mga nakakasa nang halos paulit-ulit nang tema ng blog ko, pasensya na kayo, siguro dumating lang yung punto ng buhay ko na masyado akong seryoso, sa totoo lang pag nakilala n’yo ako—baka maubusan kayo ng hininga sa kakatawa. Sa mga kwentong walang katuturan kung balat lang ang titignan, pero malaman pala kung babalatan n’yo lang. Minsan lang ako magseryoso, kaya maninibago kayo kung makita n’yo ako minsang nakatunganga, nag-iisip.

    Sa totoo lang, pilit kong hinihila ang panahon at ang oras papalit. Gusto ko kasing iwanan na yung buhay ko na mapag-isip, sa mga bagay-bagay na dapat tinatawanan ko lang. Gusto ko rin naman makita yung sarili ko na masaya—sa piling naman ng iba. Yung alam kong hindi ako paglalaruan, hindi manloloko, hindi manggagamit. Ipinapangako kong magiging ganun din ako.

    Sa totoo lang, wala na kong inaasahan, tinatapos ko na lang ‘tong blog, dahil sayang lang yung mga nauna kong pinaghirapan kapag hindi ko pinagpatuloy. Pero pagkatapos nito, handa na ko sa mga magiging kapalit ng desisyon na ‘to. Tutal, wala na rin akong maaasahan dun sa taong, minsang ipinaglaban ko. Kung dumating man yung araw na magkasalubong landas namin, wala na akong maaalala. Itatapon ko na rin LAHAT-LAHAT.

    Hindi na ako yung taong nakilala mo noon. Marami nang nagbago. Tinuruan mo ako, salamat. Dalawampung araw na lang hinihintay ko. Gusto kong matapos na ‘tong kahibangang ‘to. Kung sa kinakabahan, oo. Hindi ko maaalis sa sarili ko yun, hindi din ako magpapaka-impokrito na sabihin hindi na kita mahal. Pero nalaman kong, pwede rin pala yung mawala, nang dahan-dahan. Gaya siguro nang nararamdaman mo, para naman maging patas din ako.

    Malapit na yung araw, hindi na rin nga pala ako maghihintay sa’yo sa araw na yon. Wala na. Tapos na. Salamat

05
Jan

Hit List 2/5

Music Here…

     Sa mga oras na ‘to, hindi ko alam kung kailangan ko pa ring gawin ‘tong blog na ‘to. Kung dapat ko pa bang kumpletuhin at buuin. Alam mo naman diba kung ano mangyayari kung sakaling matapos ‘tong blog na ‘to. Alam mo na rin kung ano yung last song (5/5) para sa pinakahuling part ng Hit List.

     Siguro nga dapat ko pa rin ‘tong ituloy. Hindi ko kasi alam kung nagiging panakip butas lang ako o ano. Magmula kasi nung magkalayo tayo, hindi ko sure kung ikaw pa rin yung tao na yun na nakilala ko dati. Madali ka kasing mafall. Baka nararamdaman mo lang yun sa ngayon dahil sa wala sya at ako ang nakikita mo Sorry, kung masakit yung sinabi ko "panakip butas". Marami kasi nagsasabi sa ‘kin n’yan, pero di ko sila iniintindi, kahit magmukha na kong tanga o baliw. Gaya ng lagi mo sakin sinasabi…"baliw".

     Salamat nga pala dahil sa dahil ikaw ang nakasama ko ngayong mga unang araw ng taon. Nung una naninibago, pero nung pauwi na tayo…ninanamnam ko yung mga sandali na magkasama pa tayo. Hindi ko kasi alam kung ganon pa rin pag dating ng mga susunod na araw. Korni na kung korni. Oo tumawa ka, tawanan nyo lang ako. Mas gusto ko yun, kaysa naman ituring mo kong baliw na nga. Na mag-iba bigla ihip ng hangin, na sa mga oras na hinahanap kita ngayon, dumating yung araw na gigising akong hindi  na kilala kahit man lang pangalan mo. Na sa sobrang pag-iwas o paglimot sa ‘yo, dumating yung araw na hindi na kita makilala kahit magkita tayo. Na wala na talaga akong nararamdaman sa’yo.

     Hindi ko alam kung matutuloy na mabuo ‘tong blog na ‘to. O sa mga susunod na araw e pipigilan mo na ko. Pero bago mabuo ‘to sa Feb 14, ikalawang taon mula nung maghiwalay tayo nung 2005, umaasa pa rin akong pipigilan mo ‘ko. Bakit ka ba kasi ganyan, ang hilig mong magpaasa. Hindi ko alam kung ikaw yung baliw na, sa mga banat mong pagpaparamdam o ako na baliw na nga na sa tagal ng panahong yun, naghihintay pa rin.

     Pero gusto ko malaman mo na masaya ako, kung pagpapaasa man yun o hindi, masaya pa rin ako. Ikaw kasi yung unang nakasama sa taong ito. Dati naman kahit mga Pasko o Bagong Taon, nakakraos ako ng ako lang. Hindi kita hinahanap o ano man, pero ngayon. Kahit mga simpleng bagay lang na gawin ko sa buhay ko, hinahanap ka kita. Gusto ko kasi kasama ka dun. Tawagin mo man akong "baliw" ulit, ayos lang. Basta pare, kung mangyari man yung kinatatakutan ko bago o sa araw mismo ng Feb 14 na hindi ikaw yung makita ko, na may ibang pumunta imbes na ikaw, sana maging matatag ka. Wag mo pa rin kakalimutan yung pag-aaral mo. Wag na magpupuyat sa text lang. Sana matanggap naten pareho. Na sa pagkatapos ng araw na yon, magkaibigan na lang talaga tayo. Ayoko na kasing umasa pa ulit o mawalan lang ng saysay yung mga ginagawa ko. Dati sinabi ko sayo na maghihintay lang ako, pero parang "baliw" na nga talaga ‘ko sa sobrang tagal ng paghihintay ko. Kaya gusto ko kung mangyari man ‘yon, tapos na talaga tayo.

     Sana naiintindihan mo rin ako…

hit list 3/5 soon…

09
Dec

Hit Lists 1/5

Pakinggan mo ‘to

Habang binabasa mo ‘to e gusto kong sabayan mo ng pakikinig, para makarelate ka sken.


 
"I don’t care how you get here, just get here if you can."
    Yan yung last line ng kantang Get Here. Ang hirap din minsang sabihin sa taong mahal mo yan. Parang pinipilit mo lang kasi yung sarili mo na maniwala e. In the end, makikita mo na lang sarili mo na nagdudugo, literally, nagdudugo. Kakasuntok sa lupa o pader na alam mo namang hindi papalag, gaganti o sasagot man lang dun sa mga tanong na bumabagabag sayo.
    Ang hirap talaga maniwala sa umpisa. MInsan kasi, nadadala ka lang ng emosyon mo. Akala mo tama na, akala mo ayos na ang lahat. Pero magugulat ka lang. Iba yung kilos nya sa inaasahan mong dapat nyang ipakita sa’yo. MInsan magulo. Ang hirap maniwala. Gusto mong sumigaw ng mga tanong, yung mga tanong na matagal mong tinago at kinimkim. Pero sa hangin mo lang lahat maisigaw. Kasi kahit alam mong nasasaktan ka na, ayaw mong sabihin sa kanya ng direkta, may magagawa ka ba? maibabalik mo pa ba ang dati? masasabi mo ba sa kanya na Tang-ina, Mahal pa kita!—ano isasagot nya? Alam mo ba?

    "You can jump on a speedy colt, cross the border in a blaze of hope" Sinusubukan ko namang gawin lahat e. Hindi ko na nga iniisip kung nagmumukha na ba akong tanga e. O kung pinagtatawanan na ba ako ng lahat. O kung hindi man, kung paano ko ipapaintindi sa kanila.
    There are hills and mountains between us daw. Yung iba nalagpasan naten nuon, pero diba inamin mo na saken? Bakit ayaw mo pang gawin yung sinasabi ng puso mo, nahihirapan na kasi ako e. HIndi ko kayang hulaan kung kailan, ang hirap.
    …
    Ang sarap din pala minsan umiyak. Kapag hindi mo na talaga kaya. Kapag wala ka nang mapanghawakan. Yung tipong kailangan harap-harapan mong iparamdam sa ‘kin lahat.
    Diba ayos na tayo? Sinubukan kitang tignan para makuha atensyon mo. Pero bakit parang umiiwas ka. Nahihirapan na ‘ko. Alam ko namang wala akong karapatan e. Pero bakit kailang mong idura sa mukha ko ‘yun. Ang sakit kasi e. HIndi ko na matagalan. Nangako ako sayo dati na maghihintay lang ako. Pero, pero, wag mo namang pabilisin  yung oras na makita kong konti na lang yung oras na itatagal ko. O yung espasyo na kailangan kong paglagyan. Unti-unti na kasing sumisikip mundo ko  e.
    …

    KUng mahal mo ako talaga, please make it soon. Kasi ang hirap din umasa sa wala. Kahit alam ko namang kahit hindi ako magsasawa. Pero ayoko dumating yung araw na yun. Na magsawa nang maghintay. Na tanggapin na lang ang lahat na hanggang dun na lang talaga. Na wala na akong lakas o kapal ng mukha na iparamdam pa sa’yo lahat. Tapos magigising na lang ako isang araw, wala na talaga.
    i love you not because of who you are but because of who I am when I am with you.
    I need you here. I don’t care how you get here, just, get here if you can.

hit list 2/5 soon…

18
Nov

But

I choose to love you in silence for in silence I receive no rejection. Nor should i bother of what it is that prevents us from being together. It’s just that we can never be together. I choose to love you in
loneliness, for in loneliness no one owns you but I. I choose to adore
you from a distance, for distance will shield us from pain. I choose to
kiss you in the wind, for the wind is gentler than my lips. I choose to
hold you in my dreams, for in my dreams you have no end. In all honesty I find it hard to believe that I will ever love somebody the way I
loved you. Thank you for the experience. I loved it while it lasted. I
can’t help but smile during those times that you threw me out of focus -
those times you made me panic as to what i could do to appease your
tumultuous heart. Thank you for all those times that you almost
destroyed my sanity. I always knew it was done for anyway…

29
Sep

Nakakasawa Na Rin…

    Have you experienced the feeling of loneliness na tipong akala mo hindi na gagalaw ang oras at hinihintay mo na lang dumating ang gabi at dalawin ng antok? Yung pakiramdam na nabubuhay ka, na ang oras ang nagpapatakbo ng buhay mo at hindi ikaw bilang tao, ang nagpapagalaw dito? Pero sabi naman nila, "A time you enjoy wasting naman, is not a wasted time."
    Enjoy lang ako panoorin ang paglubog ng araw sa Sunken Garden kahit tapos na klase ko. Masayang tignan yung mga naglalaro ng soccer kahit ilang beses na ‘kong natamaan ng bola nila. Yung diretso ng SM dahil isang sakay lang SM from UP, na wala namang ginawa kundi maghanap ng bagay na maglulustay sa pera na matagal mong hinitay. Ayun, sa pag dating ng oras na kailangan mo na, butas na bulsa mo. Tapos, kapag kumakain ka sa Chowking ng Ciao fan, nai cha, at halo-halo; super value meal ng Jollibee; sprite float at burger value meal ng McDo; umiinom kape ng Mocha Blend, Gava Blend at Starbucks kahit bawal sa’kin ang kape, malalamig na ice cream ng Ice Monsters at Icebergs, cakes ng Red Ribbon. Tumambay sa UP EDSOC, daanan ang Melchor Hall, ang minahal kong College of Engineering. Mamili ng damit sa Maroons, ang malalaking yelo ng Zagu sa dulo ng Shopping Center (SC), murang films sa Film Institute, ayun parang gusto kong manghatak ng taong dumadaan para samahan ako sa mga trip ko. Pero as if naman na may mahahatak ako.
    Minsan nakakasawa na rin. Papasok ka, uuwi ng gabi. Pag uwi, gagawa pa ng kung anu-ano. Paulit-ulit na lang. Hindi na nga rin ako bumili agad ng cp matapos mabasag yung dati kong unit e. Para hindi na rin ako controlin ng cellphones. Wala na rin namang masyadong silbi sa’kin yun e.
    Tapos pag graduate ko, i’ll continue my study for my masteral dito pa rin sa piling ng Benitez Hall. Tapos kapag nagturo na ko at least 5 years, i’ll start continue my lost business with the Herbalife company. Kahit sa ibang bansa na ko tumira for that. Babalik ako sa Pinas na ibang-iba na, ako na kokontrol sa buhay ko. Siguro hindi na ko magsasawa dun.
    Nakakapagod na mag-aral, pero sana wag muna ‘ko magsawa. Marami pa kong pangarap sa buhay. Napaka-emo ko talaga. Sana may naka-gets ng mga inner thoughts na nais ko sabihin dyan sa walang kwentand blog na yan.

22
Jul

Gusto Kong Mawala
   

    Gusto kong mawala. Yung mawala ng ilang mga araw. Tapos hahanapin ako ng mga tao. Ipaparamdam nila sa ‘kin na i exist pala. Pero ang masaklap dun, ndi naman ako si invisible man na pwedeng maglaho nu mang oras ko gustuhin.
    Ang daya nyo kasi! Magmamahal kayo ng minsan at sasabihin niyo na nasaktan kayo. Kung gaano kasakit sa inyo, kayo lang ay may alam. Pero kung gaano kasakit sa ‘men, kayo lang rin may alam. Kung paano kayo nasaktan, walang rason para pansinin o pakinggan nyo kame. Kung gaano naman kasakit sa ‘men, kayo lang rin ang may alam. No doubt na kami agad ang mali. Kapag naghanap ka naman ng tao na gusto mong sabihan ng nararamdaman mo, dahil nga sa ayaw ka nyang pakinggan, masama ka pa rin. Sasabihin niya sa iyo na pinagkakalat mo.
    Gusto kong mawala. Para makalimutan ko kahit minsan na nag-exist ka pala. Para makalimutan ko na naging bahagi ka pala ng paglipas ng buhay ko. Pero pano ko gagawin yun, indi ko nga kaya na kahit minsan ilagay sa isip ko na kaya kong mag-isa. Pinilit mo akong alalahanin kita.
    Oo aaminin ko na, hanggang ngayon. Pero hindi na ko umaasa na magagawan pa ng paraan yun. Na magkabalikan pa tayo. "Nangangarap lang ako". Ewan ko. Naaasar na ko sa utak ko. Kung bakit sa pilit kong ilagay sa isip ko na wala ka na, dun pa niya ibabalik sa iyo yung mga alaalang ayaw mong pakawalan sa isip mo.
    Gusto kong mawala. Mawala nang matagal, baka sakaling maisip mo rin kasi na may nakaraan tayo. Sa pagpipilit mong itago sa iba na kahit papano tinitxt kita, ewan ko kung ano nasa isip mo. Sa pagmamayabang mong marunong ka na ng kung ano-ano—sigarilyo, alak, magnakaw, magsinungaling. Nakakatawa lang, ewan ko kung pagmamayabang ba yun o epekto lang ng kabaliwan. Ewan ko kung kabaliwan sayo, malamang bagong buhay ang tawag mo.
    Pero ayoko na, tapos na ang paghihibang ko. Hanggang dun na lang yun siguro. Salamat na lang sa lahat.

21
Jul

Brownies (o kung gaano kita kamahal)

"Ang pag-ibig ay parang pagluluto, kailangan ng tamang sangkap at proseso.
"

1 c butter/margarine
1 c cocoa powder
1 c white sugar
1 1/2 c brown sugar
3 eggs
1 tsp vanilla essence
1 1/2 c flour
1 tsp baking powder
1 tsp salt

Painitin ang oven sa 350 F. Tunawin ang mantikilya. Ilagay sa mixing bowl.
 
 Aaminin ko, nagkagusto ako sa iyo dahil nakatutunaw ang iyong lambing. Dahil sa iyo nakipaghiwalay sa akin ang aking pag-iisa.

Ihalo ang tsokolate, pampalasa.
    
At hindi lang iyon—napapansin ko kung gaano kaganda ang iyong mata, kung gaano kasarap pakinggan ang boses mo, at kung gaano ka ka-hinhin. Masarap kang kausap at naiintindihan mo ako tuwing inaakala ko na walang nakakaintindi sa akin. Malalim ka palang mag-isip- palaging may katuturan ang mga napag-uusapan natin.

Isunod ang asukal, pampatamis.
  Sweet ka pala. Di ko inakalang may nag-aalala para sa akin. At sobra kang nakakatuwa, para kang batang naglalaro sa dapit-hapon. Kinikilig ako kapag nagpapatintero ang titigan ng ating mga mata. Napapangiti ako tuwing para tayong nagtataguan kapag hindi tayo nag-aabot sa kitaan.

Ihalo ang itlog para pagsamahin ang mga sangkap
    Siguro nga nasa iyo na ang lahat ng hinahahanap ko.

Lagyan ng vanilla, pampabango at pampasarap.
    Is
a lang ang masasabi ko—mahal n mahal n nga kita.

Pagkatapos ay ihalo ang harina, nagsisilbing katawan at laman.
   
Mahal kita, hindi dahil sa ikaw ang pinakamaganda, pinakamabait o pinakamalambing na babaeng nakita ko—marami pa ang hihigit sa iyo. Importante ka sa akin dahil ikaw ay ikaw at ako ay ako- ikaw ang pinili ko, nakasama, nakausap, nayakap, nakadaupang-palad, at ipinagluto. Kahit na marami ang mas maganda, mas malambing, at mas mabait sa iyo, ikaw pa rin ang babalikan ko.

Idagdag ang baking powder, pampaalsa, at ang asin, pampalasa.

    Pero mahirap kapag di tayo nagkikita. Mahirap lumago ang pagmamahal kung taning hangin lang ang katagpo. Mapait at maalat kumbaga.

LInyahan ng mantikilya ang isang 13 in. x 9 in. baking pan. Ilipat dito ang lahat ng hinalo. Lutuin sa oven ng 30 minuto o hanggang wala nang dumikit kapag itinusok ang isang toothpick sa gitna.
   
Sa bagay, makakapaghintay naman ako. Hayaan nating uminit at lumalim ang pag-ibig natin sa isat’ isa—sumasarap habang tumatagal. Sa huli, laging mas masarap kapag pinatagal ang pagluluto.

Ihahain ko na, mahal

21
Mar

Bakit Nga Kaya???

 
Love Letter
why do we love ba? 

Kiss On The Hand
  so we can have somebody to talk to?


Holding Hands
 someone who can be there pag gusto natin gumala?    

Candy
a person na pwedeng manlibre satin?   

 

taong magbibitbit ng gamit mo?  ALALAY for short!    
eh pano kung di ka nya mahal?  You Broke My Heart would you still love him/her?
would you still continue to care for that
person?

 

bakit naman hinde?  Raise The Roof you didnt love that person para magkaroon ka ng
alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre, taong gagawa ng assignments mo
or projects, or taong mahihila mo if you want to go out… if thats what you
think about love well sorry ang BABAW mo!   
Too<br />
Funny  loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o
guwapo, dapat mabait or understanding, kasi once you fall inlove you take the
risk of accepting dat person kahit maingay sya matulog, yung hilik ng hilik
 
Bum  kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo kasya pag puno ang
jeep!   
Fat Woman 3 
kahit sobrang moody nya na kulang na lang ay sapakin mo sa
inis!   
Smack Me   yung sobrang
selosa/seloso na pati barkada pinagseselosan..
badtrip diba? and yung
napaka-arte OA kung baga!   
Woman With Dog  o kahit ano pang things
that would turn you off…
hirap tlaga magmahal trying to be PERFECT kase
 
Attraction 
gusto mong magtagal pero hindi yun ang sagot sa lahat…
ACCEPTING the real person fully   
Running In Field  kase if you said na mahal
mo sya you dont need to find answers kung bakit mo sya mahal… 
Waiting  

kase lahat ng tao nagbabago
but if you accept
that person magbago man sya in the middle of your
Kiss On The Hand  relationship hindi ka masasaktan kase you know
that darating
din yun.. tsaka tanggap mo sya ng buo… 
A Flower For Her  mahirap gawin pero masarap
subukan dahil 
Kick Me wala ng sasaya pa if you let one person feel na MAHAL NA
MAHAL mo sya without asking 4 anything in return…   
Blinking Heart 2  then you can say wow un pla ang
LOVE! 
Circle Of Hearts  
 

Being happy doesn’t mean everything’s perfect.
It means you’ve decided to see beyond the imperfections….

 

==========================================
 Heartbeat Do you know I exist, just to promise you this,

Endlessly to be true to you,
And if you answer my prayer,
I cross my
heart and I’d swear
Endlessly to be true to you,
And if you’d only see

How beautiful you and I would be, endlessly
Endlessly [B4-4]

Nakakatawa talaga ang love. Isa
siyang napakalaking oxymoron. 
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang
labo diba? Pero ang linaw. 
Nervous 2 Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo

naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na
kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Sus, ano ba
talaga?! 
Damn Damn  May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only
for stupid people." 
Shy Girl Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero
dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya
ngayon. 
Ponder  
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging
oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta
baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng
malalakas na tao,
humihina. 
Crazy Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam,
nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot,
sumasaya. 
Walking Home Crying
 Too Happy  Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko
nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic
words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! 
No Ayan na siya.Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.  Tongue Out  Di ba nakakatawa rin na
pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema mo
na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao? 
Walking Into The Wall Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang
wala ring tama? 
Pants Falling Down Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng 
Heart/arrow pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala.
Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. 
Daisies  Pwede na ‘ko mamatay. Now na!" At hindi lang
‘yon. Ang sarap din pagtawanan 
Hysterical ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang
sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na
yung puso nila, 
Broken Heart siyempre hindi sila yung may kasalanan.
Siya! "Bakit niya ‘ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon,
at 
Pouty pagbabagsak ng pinto.
 

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag
pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya
masasabi ko nang eksperto na ‘ko.
Pero wala pa rin akong alam. Pero ang
pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng 
Yes ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.
 

Nakakatawa no?  Spinning  
Nakakaiyak.  Sobbing ….ndi, nakakatuwa..basta un na un!..wag na maraming
tanong…kakaasar!!!..ewan…

21
Jan

Ang Labo ng Mundo…

    Ang daya naman, ewan ko kung ano ba dapat kong gawin. Gusto ko tumakas sa mundong ‘to.  Pero syempre, pano ko gagawin yun, e tao lang ako, wala akong lakas na tutumba sa lahat ng gusali ng Makati.
    Minsan dalawin mo ko sa UP Sunken Garden, dun mo ko madalas makikita, nagnununi-nuni. Nag-iisip ng mga bagay-bagay, minsan kailangan mong gawin yon para naman ndi maging pangit at boring ang buhay mo. Minsan ayaw ko na ring magload, la rin naman akong ite-text,  nagsawa na ko sa buhay. Kailangan ko siguro ng kasama, kung gusto mo kong makausap text mo na lang ako, 09192850714,  la z akong mgawa, para meron naman akong kausap.
    Hintayin kita a.

22
Nov

Assassins Rule…

 http://the-assassin.blogspot.com/
http://assassin-orig.blogspot.com/